Accredited laboratories para sa COVID-19, nadagdagan pa ng 4
- BULGAR

- Jul 27, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | July 27, 2020

Mayroon ng 93 laboratories sa buong bansa ang lisensyadong magsagawa ng independent testing ng COVID-19 matapos na may bagong apat na nakatanggap ng accreditation mula sa Department of Health (DOH).
Sa daily report ng DOH, ibinahagi nito na mayroon ng 70 accredited polymerase chain
reaction (PCR) facility at 23 GeneXpert laboratories.
Ang mga bagong nadagdag sa PCR facility ay ang De Los Santos Medical Center, Daniel O. Mercado Medical Center at San Pablo College Medical Center. Isa naman ang nadagdag sa GeneXpert laboratories at ito ay ang Amang Rodriguez Memorial Center.
Sa ngayon ay may 91 pang laboratories ang sumasailalim sa five-step accreditation process at 85% rito ay nasa stage 3 na.
Sa 91 accredited laboratories, mayroon ng 1,334,541 test ang naisagawa at 110,910 rito
ang nagpositibo sa virus. Ito ay may positivity rate na 8.92%.





Comments