ABS-CBN nagsara, depressed, nag-iiyak… BILLY, KUMANTANG LALAYAS NA SANA NG 'PINAS BITBIT ANG PAMILYA

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | December 16, 2020

Ang mga programang Masked Singer at Lunch Out Loud (lol) ang naging saving grace ni Billy Crawford para mabuhay niya ang pamilya at hindi lisanin ang Pilipinas para manirahan sa ibang bansa.
Matatandaang abut-abot ang batikos na natanggap noon ni Billy nang lumipat siya sa TV5 dahil tinanggap ang alok ng Brightlight Productions bilang host ng Masked Singer at LOL.
Wala naman din kasing alam ang publiko sa mga pinagdaanan ng TV host nang magsara ang ABS-CBN. Hindi nila alam na walang trabaho noon si Billy, hindi katulad ng mga dati niyang kasamahan sa It’s Showtime na may ibang pinagkakakitaan kahit ilang buwang replay ang show.
Sa panayam kay Billy ni Ms. Luchi Cruz-Valdes sa programa nitong Usapang Real Life sa TV5 nitong Sabado (December 12), inihayag lahat ng asawa ni Coleen Garcia-Crawford ang nangyari sa kanya.
“I’m planning to sell everything and gonna move out of this country. And feels wala, eh, I didn’t have a job. You know what I’m saying? And if I did, it wasn’t really sustainable. I couldn’t sustain my family. It was a lot of depressing moments,” pag-amin nito.
Dagdag pa, “It was really a dark period for everyone at ABS-CBN. That includes artists, that includes us. I mean, each and every personnel at ABS.”
Umamin si Billy na ilang gabi siyang umiiyak dahil sa pangyayari sa buhay niya.
“I’m not gonna lie, there are a lot of nights that I cried. There are a lot of nights that I called most of my friends at ABS,” sambit ni Billy.
At kahit daw lumipat siya ng network, walang nabago sa samahan ni Billy at ng mga kaibigan niya sa ABS-CBN dahil nanatili pa ring bukas ang komunikasyon nila.
“And I’m still in touch with my Kapamilya. Lahat kami, magkakaibigan, magkakapamilya talaga kami. 'Yung mga ibang tao lang naman talaga ang nagbibigay-kulay,” saad niya.
“I’m just really thankful that I have a job. I’m really thankful that I really did what I love to do at my age. I want this to be sustainable for my family,” say ni Billy.





Comments