Search
  • BULGAR

ABS-CBN, inunahan na sa announcement… PAULO, KINUMPIRMANG GAGAWA SILA NI JANINE NG MOVIE

ni Reggee Bonoan - @Sheet Matters | January 13, 2021




Inunahan na ni Paulo Avelino ang anunsiyo ng ABS-CBN sa paglipat ni Janine Gutierrez sa network dahil nabanggit niyang makakasama niya sa movie project ang dating Kapuso actress sa ginanap na Fan Girl global mediacon nitong Lunes nang hapon.


Mga vloggers sa ibang bansa ang kasama sa mediacon kaya siguro binanggit ito ng aktor.


Ang alam namin ay isa sa mga araw na ito pipirma si Janine ng kontrata sa ABS-CBN sabay anunsiyo na rin ng gagawin niyang proyekto.


Sa ginanap na Fan Girl global mediacon ay tinanong si Paulo ng dating aktor na vlogger na ngayon na si Bojo Molina na based sa Guam kung ano ang next project nito pagkatapos ng pelikula nila ni Charlie Dizon na napapanood na sa KTX.ph.

“I have currently a teleserye and you can also watch it in TFC, Walang Hanggang Paalam.

“And I have another film, we shot pre-pandemic, that’s coming out hopefully March or May.

“I’m not sure with the producers but probably Summer MMFF (Metro Manila Film Festival), it is called Ngayon Kaya with our newest Kapamilya, Janine Gutierrez,” kuwento ni Paulo.


Kasama si Paulo sa ginanap na congratulatory dinner ng Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal para sa kanila ni Janine dahil sa pagkakapanalo nila bilang Best Actor sa katatapos na MMFF 2020 at Best Actress sa 43rd Gawad Urian at 2020 FAMAS Awards.


Iisa ang manager nina Paulo at Janine na si Leo Dominguez na nag-post ng larawan na magkakasama sila nina Deo, handler nilang si Rey Lanada at Dreamscape creative consultant Rondell Lindayag, sa ginanap na dinner.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.