Abroad daw ang kasal at hindi sa simbahan… DOMINIC AT BEA, BABAE ANG GUSTONG MAGING UNANG ANAK
ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | January 22, 2024

Mukhang malapit na malapit na ang kasal nina Dominic Roque and Bea Alonzo dahil tinatapos na nila ngayong Enero ang preparations.
Ayon sa aktor nang makausap namin last Saturday night sa thanksgiving party ng Luxe Beauty and Wellness Group kung saan ay isa siya sa mga celebrity endorsers, kailangan daw mailatag na ang lahat ng detalye ngayong January.
“'Etong January talaga, dapat ilatag lahat, eh, kailangang asikasuhin, ‘di ba, with everyone from our families and friends and ‘yung list ng mga bisita also, ninong, ninang. Hindi pa naman kumpleto lahat,” sey ni Dom.
Of course, hindi na ibinahagi ng fiancé ni Bea ang mga detalye ng gaganaping kasal although ang nabanggit niya ay hindi ito church wedding since isa siyang Christian.
Inamin din niyang sa ibang bansa gaganapin ang kanilang wedding at nabanggit na rin naman daw ito ni Bea in one of her interviews.
Ayon pa sa dating aktor na ngayon ay entrepreneur na, mamamahagi na raw sila ng ‘save the date’ cards sa mga invited guests this January.
Natanong kung invited ba ang ex-couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kasal nila at bahagyang natawa si Dom.
“Si Kath,” sambit niya.
“Kasi, hindi naman kami okay ni DJ (Daniel). I mean, we’re not talking since 2020,” paliwanag ng aktor.
“We haven’t seen each other for the longest time, since 2020,” dagdag niya.
Anyway, sobrang excited na si Dominic sa wedding pero bukod nga rito, ang isa pang nilu-look forward niya ay ang pagbuo ng pamilya. Agad-agad ay ita-try na raw nila talagang gumawa ng baby. As in super ready na raw siya na maging daddy.
“'Yun naman talaga ang napag-usapa na namin before. Parehas naman kaming nasa tamang edad to have a family or to have a baby, and ako talaga, sobrang mahilig talaga ako sa bata.
“I mean, growing up, inalagaan ko ang mga anak ni Tita Juday (Judy Ann Santos), you know, I’ve been there with them, ‘yung mga pamangkin ko, lalo na may mga pamangkin na rin akong dalawa na lalaki’t babae, and naisip ko na gusto ko rin ng sarili ko,” aniya.
“Siyempre, gusto rin naman niya (Bea) na magkaroon ng baby and siyempre, ayun ang dapat naming maging priority also after the wedding,” he added.
Napag-usapan nga raw nila ni Bea na girl ang gusto nilang maging first baby sana dahil mas malambing daw ang mga babae sa daddy.
“Actually, any naman. As long as healthy na mailabas, pero siyempre, kung papipiliin ako, mas gusto ko, babae,” sey ni Dom.
Samantala, isa lang si Dominic sa napakaraming celebrity endorsers ng Luxe Beauty and Wellness Group. He’s been part of the company since October last year at ang produkto nitong green tea ang kanyang ine-endorse.
Malaki nga raw ang naitulong ng Luxe green tea sa kanyang pagpapa-slim lalo na ngayong naghahanda siya para sa kanyang kasal.
“Siyempre, kailangang mag-ready, saka summer din. So I’ve been drinking it since last week. I mean, iniinom ko na siya dati pero ngayon, mas seryoso ako to lose weight.
Nagpapasalamat naman ang CEO ng Luxe Beauty and Wellness Group na si Anna Magkawas sa lahat ng celebrity endorsers niya na dumating at sa mabilis na tagumpay din ng kanyang kumpanya.
Bukod kay Dominic, dumating din ang iba pang endorsers na sina Aubrey Miles, Elisse Joson, Dani Barretto, Dimples Romana, Pau Fajardo, etc, at ang pinakabagong ambassador na si Vice Ganda.





Comments