Abra, niyanig ng magnitude 5.3 na lindol
- BULGAR
- Dec 19, 2022
- 1 min read
Updated: Dec 20, 2022
ni Lolet Abania | December 19, 2022

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang lalawigan ng Abra ngayong Lunes habang naramdaman din ito sa mga kalapit na lugar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Batay sa isang advisory ng Phivolcs, naitala ang lindol bandang alas-5:06 ng hapon na may lalim na 45 kilometro, habang ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 5 kilometro northeast ng bayan ng Boliney.
Anang ahensiya, maaaring magkaroon ng mga aftershocks at pinsala sa lugar.
“The tectonic quake was felt at a moderately strong Intensity 4 in Banayoyo, Ilocos Sur.
Intensity 4 feels like the passing of a heavy truck that may rattle doors and windows,” saad ng Phivolcs.
Ang Intensity 3, kung saan ang mga nakasabit na bagay ay bahagyang gumalaw habang ilang indibidwal ang nakaranas ng pagkahilo, ay naobserbahan sa Baguio City, Benguet.
Naramdaman naman ang Intensity 2 sa Pasuquin, Ilocos Norte.
Ayon pa sa Phivolcs, nai-record din ang instrumental intensities sa Vigan City, Ilocos Sur, Intensity 4; Bangued, Abra, Intensity 3; Baguio City, Benguet; Sinait, Ilocos Sur; Santiago City, Isabela, Intensity 2; Penablanca, Gonzaga, Cagayan; Laoag City, Nueva Era, Pasuquin, Ilocos Norte; Tagudin, Ilocos Sur, Intensity 1.





Comments