ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 29, 2024
Malapit nang maisama sa konstitusyon ng France ang 'abortion rights' dahil sa pagsuporta dito ng maraming senador noong Miyerkules.
Sumuporta ang 267 senador sa paglalagay ng nasabing karapatan sa konstitusyon, samantalang 50 naman ang tumutol dito. Haharapin naman ng konstitusyonal na pagbabago ang huling pagsusuri nito sa susunod na Lunes.
Naging prayoridad ng gobyerno ng France ang pagkilala sa 'abortion rights' bilang konstitusyonal matapos ang overturn ng United States Supreme Court sa kaso na Roe v. Wade noong Hunyo 2022.
Sa kasalukuyan, protektado ng batas noong 1975 ang ‘abortion rights’ sa France, na huling binago noong 2022 upang pahabain ang panahon para sa legal abortion mula 12 hanggang 14 linggo ng pagbubuntis.
Comments