top of page

Abo ni P-Noy, dinala sa Ateneo campus para sa public viewing

  • BULGAR
  • Jun 25, 2021
  • 1 min read

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 25, 2021


ree

Dinala ang urn ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III sa Ateneo de Manila University campus sa Quezon City ngayong Biyernes nang umaga para sa public viewing mula alas-10 hanggang 10 PM.


Nasa loob ng Church of the Gesu ang urn at mula sa Green Meadows Subdivision ay mabilis itong nadala sa Ateneo campus.


Samantala, 100 katao per batch lamang ang maaaring pumasok sa simbahan upang magbigay ng kanilang last respect sa dating pangulo para maiwasan ang dagsa ng mga tao. Una na ring nanawagan ang pamilya Aquino sa mga nais makiramay na sundin ang health protocols at ang social distancing.


Noong Huwebes nang umaga pumanaw ang dating pangulo sa edad na 61. Ayon sa pahayag ng pamilya Aquino na binasa ng kapatid ni P-Noy na si Pinky Aquino-Abellada, alas-6:30 AM idineklarang patay ang dating pangulo dahil sa renal disease secondary to diabetes.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page