top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Abdala COVID-19 vaccine ng Cuba, aprub na sa Vietnam

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 18, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | September 18, 2021



Inaprubahan ng gobyerno ng Vietnam ang Abdala vaccine ng Cuba para gamitin kontra sa bagong coronavirus habang patuloy na nakikipaglaban ang bansa na mula sa Southeast Asian region sa naturang outbreak.


Ang Abdala ay pangwalong COVID-19 vaccine na inaprubahan para gamitin sa Vietnam, kung saan isa sa may pinakamababang vaccination rates sa naturang region na umabot pa lamang sa 6.3% mula sa kanilang 98 milyong mamamayan na nakatanggap ng dalawang shots ng bakuna.


Inianunsiyo ito ilang oras matapos si Presidente Nguyen Xuan Phuc ay umalis ng Hanoi, Vietnam at nagtungo para sa official visit sa Havana, Cuba.


Nakapag-record na ang pamahalaan ng Vietnam ng 667,650 coronavirus infections habang 16,637 naman ang nasawi, kung saan ang karamihan ng kanilang kaso ay dahil sa Delta-driven outbreak nitong huling linggo ng Abril.


“The ministry of health has approved Abdala vaccine, based on the country’s urgent need for its COVID-19 fight,” pahayag ng Vietnam government.


Noong nakaraang buwan, sinabi ng ministry of health ng naturang bansa na magbibigay ang Cuba ng mas maraming supply ng Abdala vaccine sa Vietnam at ibabahagi rin sa kanila ang tinatawag na production technology nito bago matapos ang taon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page