top of page
Search
  • BULGAR

Abangan kung makakapalag ang mga smugglers sa Port of Subic

ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | August 29, 2022


KANI-KANYANG RAKET ANG MGA BUWAYA SA PS-DBM—Itinanggi ni former PS-DBM (Procurement Service-Dapt of Budget and Management) chief Lloyd Christopher Lao na sangkot siya sa ovepriced na pagbili ng mga laptop para sa Department of Education kasi wala na siya sa PS-DBM nang bilhin ang mga ito.


Si Lao ay nasangkot noon sa pagbili naman ng mga ovepriced na face mask at face shield.


Dahil sa sinabi ni Lao ay lumalabas na ang mga "buwaya" na taga-PS-DBM ay may kani-kanyang raket, may nakatoka na mangraket sa overpriced na face mask at face shield at may mga nakatokang mangraket sa overpriced na laptops.


◘◘◘


MAY KAKAYAHAN KAYA SI NEWLY APPOINTED DISTRICT COLLECTOR WILLIE SARMIENTO NA LANSAGIN MGA SMUGGLERS SA PORT OF SUBIC—Si Law Division chief Willie Sarmiento ang itinalaga ni Customs Commissioner Yogi Felimon Ruiz bilang bagong district collector ng Port of Subic, kapalit ng nasibak na si former district collector Maritess Martin na iniimbestigahan ngayon kaugnay sa sugar smuggling sa Port of Subic.


Tingnan nga natin kung may "balls" si Sarmiento na lansagin ang mga smugglers sa Port of Subic.


◘◘◘


MAYOR MAGALONG AT MAYORA SHENA TAN, 'NGANGA' SA MINI-CASINO NINA 'PATRICK' AT 'AHAH' SA BAGUIO CITY AT SANTIAGO CITY—Hanggang ngayon ay hindi pa rin umano tumitigil sa raket nilang mini-casino sina "Patrick"ng Baguio City at "Ahah" ng Santiago City, Isabela.


Dahil tuloy pa rin pala ang kanilang raket, lumalabas na "nganga" lang si Mayor Benjamin Magalong sa illegal na mini-casino ni "Patrick" sa Baguio City at "nganga" rin si Mayora Shena Tan sa illegal na mini-casino rin ni "Ahah" sa Santiago City.


◘◘◘


PRINCIPAL NG SAN FRANCISCO HIGH SCHOOL, DAPAT PAIMBESTIGAHAN NI DEPED SEC, VP SARA—Inirereklamo ng mga parents ng mga mag-aaral sa San Francisco High School sa Quezon City kung bakit mas binigyan ng prayoridad ni Principal Edna Banaga na gawing division office at tambakan ng mga supply ang dalawang bagong gusali sa paaralan sa halip na gawing classrooms.


Kung totoong ginagawa ito ni Banaga ay dapat imbestigahan ni DepEd Sec., Vice-Pres. Sara Duterte-Carpio ang palpak na diskarteng ito ng principal na nagdulot tuloy upang walang magamit na classrooms ang mga mag-aaral sa paaralan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page