Abangan ang Letran at UP sa EcoOil Preseason Cup
- BULGAR
- Jul 3, 2022
- 1 min read
ni Anthony E. Servinio - @Sports | July 3, 2022

Pabalik na talaga ang Philippine Sports sa normal at gaganapin ngayong Hulyo ang 2022 FilOil EcoOil Preseason Cup. Noong 2019 huling inilaro ang taunang torneo na nagsisilbing pangunahing paghahanda ng mga koponan ng Basketball sa NCAA at UAAP para sa kanilang mga parating na torneo sa mga huling buwan ng taon.
Pangungunahan ng mga kampeon Colegio de San Juan de Letran ng NCAA at University of the Philippines ng UAAP ang 16 kalahok. Tanging ang Ateneo de Manila University at University of Santo Tomas ang nagpahiwatag na hindi muna sila sasali ngayong taon.
Hahatiin ang 16 paaralan sa dalawang grupo. Maglalaro sila ng single round robin o tig-7 beses at ang apat na may pinakamataas na kartada sa bawat grupo ay tutuloy sa knockout playoffs.
Pangungunahan ng UP Fighting Maroons ang Grupo A kasama ang Mapua University, San Beda, National University, Arellano, San Sebastian College at Jose Rizal University. Ang Letran Knights ay nasa Grupo B at haharapin ang DLSU, UPHSD Dalta, Far Eastern University, College of Saint Benilde, Emilio Aguinaldo College, Lyceum at UE.
Lahat ng laro ay gaganapin sa bagong binyag na FilOil EcoOil Centre sa San Juan City. Tinatayang matatapos ang torneo bago ang pagbukas ng NCAA sa Setyembre at UAAP sa Oktubre.
Ang San Beda ang huling nagkampeon sa torneo noong Hunyo, 2019. Tinalo ng Red Lions ang DLSU Green Archers, 74-57, sa likod ni Most Valuable Player Donald Tankoua.
Ang 2022 FilOil EcoOil Preseason Cup ay patatakbuhin katulong ang Philippine Collegiate Champions League (PCCL). Itinalagang Commissioner si Coach Joe Lipa habang ang kanyang deputy ay si Coach Robert dela Rosa.
Komentar