top of page
Search
  • BULGAR

Abandonadong palaisdaan, dapat gawing ‘mangrove forests’ — AGRI solon

ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 28, 2024




Iminungkahi ni AGRI Party-list Representative Wilbert T. Lee sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na i-update ang kanilang listahan ng mga ‘abandoned, undeveloped, and underutilized’ (AUU) na palaisdaan, na sakop ng Fishpond Lease Agreements (FLA) upang muling maging mangrove forests.


Ayon kay Lee, tungkulin ng DENR, kasama ang iba pang ahensya, na magpasya kung aling mga palaisdaan ang maaaring gawing mangrove at gawin ang mga kinakailangang hakbang upang ibalik ang mga ito sa dating kalagayan, ayon sa Amended Fisheries Code.


“Mangrove forests are important especially in coastal communities as they provide not only a source of food but also protect coastlines and prevent erosion,” ani Lee.


“Malinaw po na nakasaad sa Republic Act No. 8550 o Fisheries Code na kailangang mayroong listahan ang DENR ng mga hindi na ginagamit o napabayaan nang mga palaisdaan. Responsibilidad din ng DENR na ibalik ang mga ito sa pagiging mangrove forests,” dagdag niya.


Binigyang-diin din ni Lee ang pangangailangan na palakasin ang implementasyon ng mga batas at patakaran.


“We already have the law in place, kailangan lang ang maayos at seryosong pagpapatupad nito,” aniya.


“Dapat maipatupad ang mga batas sa pangangalaga sa kalikasan bilang proteksyon din ng ating mamamayan mula sa sakuna, at para mabigyan sila ng tiyak na kabuhayan, dagdag na kita, sapat at masustansyang pagkain, at mabawasan ang pangamba na wala silang panggastos ‘pag sila ay nagkasakit,” pahayag ng mambabatas.


Bukod dito nais ni Lee na maaprubahan ng Senado ang House Bill No. 9662 o Blue Economy Act, bilang may-akda nito. Layunin ng panukalang batas ang ligtas na paggamit at pag-unlad ng mga maritime resources sa bansa.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page