Aaaay! May ganern?! ROBIN, OUT SA X'MAS POST NI MARIEL AT 2 ANAK
ni Ambet Nabus @Let's See | December 27, 2022

Pagsabihan nga natin 'yung mga showbiz couples na ang hilig-hilig gawing "venue" ng kanilang kaek-ekan ang mga socmed accounts nila.
Sa bilis ng teknolohiya at mga Marites, napakadaling gawan ng kuwento ang mga couples na eme-emeng "nag-unfollow o nag-post" sa socmed nila na hindi kasama ang jowa o kaya nama'y may mga "encrypted messages."
Ang recent couple nga na pinag-isipang naghiwalay o may pinagdaraanan ay sina Sofia Andres at Daniel Miranda, then sina McCoy de Leon at Elisse Joson.
'Yung mga celebrity couples kasi na nag-post ng Christmas greetings nila ay kasama ang mga jowa at anak nila.
Kapag anak o mga anak lang ang kasama at wala ang partner, hayun, pinagpipiyestahan nang may pinagdaraanan.
Parang ang lupit naman nila sa isa't isa kung sa mismong Kapaskuhan pa sila may ganu'n 'noh!
Hmmm... kung ganu'n, may pinagdaraanan kaya si Mariel Padilla at ang asawang si Senador Robin Padilla dahil ang dalawang anak lang nila ang kasama sa Christmas post ni Mariel?
O baka talagang hindi nagse-celebrate si Sen. Binoe ng Pasko bilang isa siyang Muslim?
Ay, ewan! Baka sa 2023, may mga sagot na sila, hahahaha!





Comments