A.P, Factor, inaabangan sa Condition Race ng Malvar
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | August 11, 2022
Nakaabang ang mga liyamadista kay A.P. Factor na haharurot sa Condition Race sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas ngayong araw.
Markado si A.P. Factor kontra lima pang tigasing kabayo sa distansiyang 1,200 meter race dahil siya ang napipisil na pang-primera ng dalawang tipsters sa programa ng karera.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce, inaasahang magbibigay ng laban kay A.P. Factor sina Shanghai Silk at Born In April.
Ang ibang makikipagtagisan ng bilis sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Eyeshot, Stravinsky at Top Attraction. "Magandang laban pa rin 'yan kahit anim lang silang tatakbo, anybody's race 'yan," saad ni Darius Puyat, veteran karerista.
Maliban sa nabanggit na karera, tiyak na magandang laban din ang masisilayan ng mga karerista sa magaganap na PHILRACOM Rating Based Handicapping System na ikakasa sa pang-apat na karera.
Magbabakbakan sina Barrio San Roque, Mount Pulag, Bagay Na Bagay, Prince Uno, My Sharona, This Time, Gethsemanesmiracle, Pendant at Crazy Collin sa distansiyang 1,400 meter race. Nakalaan ang added prize na P25,000 na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta habang P5,000 na karagdagang premyo ang ibubulsa ng winning horse owner.
Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magsisimula ang karera sa alas-6:15 ng gabi.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - A.P. Factor (4), Shanghai Silk (5)
Race 2 - Doctor Amorette (1), Crossroad (2)
Race 3 - Lakan Takhan (2), Hold On (3)
Race 4 - This Time (6), My Sharona (5)
Race 5 - Galloping Ghost (1), Goldbar (5)
Race 6 - Calbayog (4), Full Combat Order (2)
Race 7 - Dollarama (11), Magnum Force (5), Charm N Luck (6)





Comments