Search
  • BULGAR

94-anyos na lolo, pinakamatandang COVID-19 survivor

ni Lolet Abania | September 14, 2020



Isang 94-anyos na lolo ang matagumpay na nilabanan ang nakamamatay na coronavirus sa kabila ng edad nito at pagkakaroon ng iba pang sakit.


Si Lolo Gregorio Dimaano ang pinakamatandang COVID-19 survivor sa ospital na pinagdalhan sa kanya at sa kasalukuyan ay sumasailalim na lamang siya sa therapy.


"Nagulat po kami kasi 'yun nga siyempre, matanda na rin 'yung lolo ko, may ibang complications din. Buti naman po, kinaya niya pa po," sabi ng apong si Gregorio Meneses.


Una rito, August 7 nang magpakita ng mga sintomas ng Coronavirus si Lolo Gregorio kaya agad na dinala sa ospital. Bukod sa kanya, may apat sa pamilya ang nagpositibo rin sa virus.


Gayunman, araw-araw silang nagbi-video call at inaalam ang kondisyon ni Lolo Gregorio.


Noong August 25, nakatanggap ang pamilya ng balitang nagnegatibo na si Lolo Gregorio sa test sa COVID-19 matapos ang tatlong linggo nitong pananatili sa ospital.


Gayundin, ayon sa pamilya, mas maganda na ang kalagayan niya ngayon kumpara noong nakikipaglaban sa COVID-19. "Bago siya nagka-COVID, talagang hirap siyang kumilos. Talagang lagi siyang tulog, ayaw niya na talagang makipag-usap," sabi ni Meneses.


"'Di sumusunod, tapos ayaw kumain even 'yung mga gamot na inaano sa kanya ng doktor, ayaw niyang i-take." Naging malaking tulong din ang therapy para kay Lolo Gregorio at labis ang pasasalamat ng nurse sa ibinigay na suporta ng pamilya nito sa matanda.


"Never lose hope, just pray," sabi ni Nurse Beverly Francya. "'Wag po kayong panghinaan ng loob. Mas powerful pa rin po ang prayer above everything else."

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.