top of page
Search
  • BULGAR

929 bagong mga kaso ng Omicron COVID-19 variants – DOH

ni Lolet Abania | August 31, 2022



Nakapagtala ng 929 dagdag na mga kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variants, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Miyerkules.


Nakapag-record ang bansa ng 889 bagong Omicron BA.5 cases, 16 pang kaso ng BA.4, may 4 na kaso ng BA.2.12.1, nasa 2 ang BA.2.75 cases at 18 ang itinuturing bilang “other sublineages,” batay sa latest figures ng DOH.


Sa bagong BA.5 cases, marami ang naitala sa Western Visayas na 211, Metro Manila na nasa 126 at Central Luzon na may 111.


May apat na BA.4 cases naman na nai-report sa Soccsksargen, tig-2 sa Metro Manila, Ilocos Region, Bicol Region at Central Visayas, at tig-1 sa Central Luzon, Western Visayas, Calabarzon at CAR.


Sinabi rin ng DOH na nakapagtala ng bawat isang kaso ng BA.2.12.1 sa Cagayan Valley, Zamboanga Peninsula, Calabarzon at Mimaropa.


May tig-1 na BA.2.75 cases sa Western Visayas at Central Visayas.


Ito ang resulta ng latest sequencing run na isinagawa noong Agosto 26 hanggang 29, base sa datos ng DOH.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page