top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

928 police officers, nag-resign na — PNP

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 15, 2023
2 min read

ni Lolet Abania | January 15, 2023



Nasa 25 high ranking na mga opisyal ng pulisya ang hindi pa nakapagsumite ng kanilang courtesy resignations matapos ang mahigit isang linggo simula nang iapela ito ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa mga senior police officials, ayon sa Philippine National Police (PNP) ngayong Linggo.


Sa isang panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na may 928 o 97 porsyento ng kabuuang 953 full colonels at generals sa buong bansa ang nakapaghain na ng kanilang resignations.


Nitong Sabado, ang police headquarters ay nakatanggap ng 24 pang resignations ng mga pulis.


Ayon kay Fajardo, karamihan sa mga natitirang resignations ay inaasahang darating mula Visayas at Mindanao.


Binanggit naman ni Abalos nitong Biyernes na hindi na kailangang ibunyag pa ang mga pangalan ng mga opisyal na mababatid na may mga koneksyon o sangkot sa illegal drug trade.


“This is a radical move. Kamukha noong sinasabi ko, extraordinary times call for radical and bold acts. This is out of the box,” saad ni Abalos sa isang press conference.


“Kung, let’s say, may matanggap kang resignation, ‘let them retire silently.’ If we have enough evidence that will build up criminal cases, let’s sue them in court,” paliwanag ni Abalos.


Aniya, isang 5-member panel na ang mga miyembro ay hindi pa inianunsiyo, ang nakatakdang mag-review ng mga resignations at magdedetermina ng mga aksyon ng mga tinaguriang “ninja cops."


Sinabi pa ni Abalos, ang komite ang silang may sole prerogative kung paano nito iha-handle ang kanilang findings sa pamamagitan ng pag-file ng mga kaso o payagan ang naturang pulis na magretiro.


“We will give them all of the intelligence report, we will give them all of the evidence we have, it’s up to them to decide,” saad ni Abalos.


“Bahala sila, titingnan nila, dapat ba o hindi, it’s up to them,” ani pa Abalos.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page