top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

906 bagong kaso ng Omicron subvariant BA.5 — DOH

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 9, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | August 9, 2022



Nakapagtala ng 906 pang Omicron subvariant BA.5 ng coronavirus na na-detect sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sa isang press briefing, sinabi ni DOH Officer-in-Charge Maria Vergeire nasa tinatayang 10 indibidwal mula sa lahat ng rehiyon maliban sa Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at ang Bangsamoro region ang nagpositibo sa test para sa BA.5 subvariant.


Batay sa breakdown ng DOH, may 265 cases mula sa Western Visayas, 127 mula sa National Capital Region (NCR), 121 sa Cordillera Administrative Region (CAR), 97 sa Cagayan Valley, 73 sa Central Luzon, 56 sa Calabarzon, 49 sa Bicol Region, 40 sa Ilocos Region, 39 sa Mimaropa, 13 sa Zamboanga Peninsula, 12 sa Eastern Visayas, at 10 mula sa Central Visayas.


Apat na returning overseas Filipinos (ROFs) ay nagpositibo rin sa test para sa BA.5 subvariant.


Ayon kay Vergeire, sa ngayon ang kabuuang bilang ng BA.5 cases sa bansa ay nasa 4,013 na, base ito sa latest genome sequencing run.


Sa mga naturang kaso, 814 indibidwal ay itinuturing na rin bilang recovered, 49 ay nananatili sa isolation, habang ang resulta ng iba ay bineberipika pa.


Para sa nasabing mga bagong kaso, 682 ay fully vaccinated, 14 na partially vaccinated, habang ang vaccination status ng natitirang 210 indibidwal ay dinedetermina pa.


Ayon pa sa DOH, lahat ng kanilang exposure, travel histories, at health status ay hindi pa rin nababatid.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page