top of page

9 silang magkakapatid… SHUVEE, BREADWINNER NG PAMILYA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 2
  • 3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | August 2, 2025



Image: Shuvee Etrata - IG


Itatampok ang life story ni Shuvee Etrata sa Magpakailanman at in fact, nag-taping na siya ng episode na Pinoy Big Breadwinner dahil bata pa, breadwinner na ng kanyang pamilya ang Sparkle artist. 


Makakasama niya sa episode sina Gabby Eigenmann at Sharmaine Arnaiz sa direction ni Neal del Rosario.


Maganda ang kuwento ng buhay ni Shuvee, siyam silang magkakapatid at kuwento nito, growing up, hindi niya nakitang walang laman ang tiyan ng ina. Lagi raw itong buntis at minsan, tinanong ang ama kung bakit ginawa silang siyam na magkakapatid, eh, walang trabaho ang ama niya.


Marami pang madidiskubre kay Shuvee sa life story nito at masasagot siguro kung bakit siya nakapag-aral sa isang mamahaling university sa Cebu. Iba kasi ang iniisip ng kanyang mga bashers.


Malapit na ang airing ng episode at isasama siguro ang TVC shoot ng first TVC ni Shuvee Etrata at ang naglalakihan niyang billboard sa EDSA.


Feelings, idinaan na lang sa kanta…

ICE, NAGTAMPO SA PADIR DAHIL IPINAAKO SA KANYA ANG PAGIGING BREADWINNER



NAGING emosyonal si Ice Seguerra sa grand media conference ng Being Ice album at Being Ice Live! concert sa parte na isine-share niya ang story ng bawat kanta na kasama sa kanyang album. 


Bawat kanta ay may kuwento at may parte pang naiyak siya. Ito ‘yung ikinuwento niyang nagkaroon siya ng tampo sa dad niya thinking na he was not providing enough for their family, kaya at three years old, breadwinner na siya.


Ang song na Shelter of the Broken ay para sa depression phase ng kanyang buhay at nagulat kami sa inaming there was a time na gusto na niyang tapusin ang buhay niya. 

Nakadagdag ng kanyang depression ang time na nawalan siya ng work at inisip kung paano bubuhayin ang kanyang pamilya.


Ang ‘Wag Na Lang Pala ay ang pag-aalangan niyang i-pursue ang isang babae bago pa niya nakilala si Liza Diño-Seguerra dahil inisip na baka hindi siya gusto nito. 

May wedding song din siya para kay Liza na hindi nito nabanggit ang title pero kasama raw sa Being Ice album.


Ang Nandiyan Ka ay para sa ama niyang si Daddy Dick at dito na napaiyak si Ice. Nang mawala ang ama, saka niya na-realize ang mga tulong na ginawa nito for his career.

“Nagbebenta s’ya ng CD ko sa mga kaopisina niya dahil uso noon ang piracy. Sinasamahan n’ya ako sa mga gig ko at s’ya ang may dala ng gamit ko. There was one Christmas na hindi ako ang gumastos ng panghanda namin, si Daddy lahat ang bumili at may hamon kami.

Nang mawala s’ya, saka ko naisip ang mga tulong n’ya. Ang naisip ko lang noon, nagtatampo ako dahil ang bata kong breadwinner,” kuwento ni Ice.


May kuwento rin ang pagpili ni Ice kina Gary Valenciano at Vic Sotto na kanyang guests sa first and second night respectively ng two-night concert niyang Being Ice: Live!.


“Si Gary V, bata pa lang ako, idol ko na s’ya. Ginagaya ko s’ya pati ang panginginig ng boses n’ya. S’ya ang pang-check-up ng milestone ng buhay ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl at nakasama ko s’ya sa stage. At one point, naidirek ko pa s’ya sa isang event at ginuest niya ako sa concert.


“Si Tito Vic, he’s my second father. He’s like my dad. When I was young, I spent weekends with them, with his kids. Having him, parang paalala na kahit wala ang mga magulang ko, he’s always there,” ani Ice.


Anyway, ang Being Ice album will have a big drop on August 8. Ang Being Ice: Live! naman na isang two-night concert is happening on September 12 and 13. Two nights, two different shows, kaya be sure to watch both nights dahil magkaiba ang sorpresa na ikatutuwa ng mga manonood.


Fans, todo-gaya dahil epektib daw… 

SHARON, NAG-EGG DIET KAYA PUMAYAT


“GAAAHHHH MY MAMA’s BAAACK!!!” ang comment ni KC Concepcion sa ipinost ni Sharon Cuneta na behind-the-scenes sa photoshoot niya for her Mega August cover.


Sa comment ni KC, pati siya ay nagulat at natuwa sa photoshoot ni Sharon na talagang marami ang shocked. 


Hindi lang si KC ang nagulat, pati mga fans at casual fans dahil hindi nila akalain na may ilalabas pa si Sharon. 


Sa mga nagulat (kasama kami), may sagot si Sharon, “Kung nagulat kayo, ako rin! ‘Wag mag-alala, lilipas din ‘yan! Minsan lang! At kinilig ang asawa ko! @kikopangilinan. Parang ‘di yata makapaniwala ako ‘yung asawa n’ya 10 years ago!”


Nakakatuwang basahin ang comment, lalo na ‘yung mga bitter at ayaw yatang makitang payat si Sharon. Ilang beses na nitong sinabing wala siyang tinake na pills, ang kukulit pa rin at ipinipilit ang sa kanila na mali naman.


Marami ang gumaya sa nabanggit ni Sharon na egg diet at nai-share na effective ito. Marami rin ang sineseryoso na ang pagpapapayat mula nang pumayat si Sharon dahil puwede raw pala at naiinggit sila.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page