9 na preso, nakatakas

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 8, 2023

Siyam na persons deprived of liberty (PDL) ang nakatakas sa Manila Police District (MPD) Station 1 sa Raxabago St., Tondo, Maynila, bandang ala-1 ng madaling-araw.
Ilan sa mga nakatakas ay may mga kinasasangkutang kasong droga, illegal possession of firearms, at iba pa.
Tatlo sa nakatakas ay agad namang nahuli.
Kaugnay nito, inalis na sa puwesto ang mga jail officer at guard dahil sa kapabayaan kasabay ang gagawing imbestigasyon.





Comments