ni Eli San Miguel - Trainee @News | November 19, 2023
Napinsala ang siyam na national at provincial roads, pati na rin ang apat na tulay sa Soccsksargen dahil sa lindol na may 6.8 magnitude sa Davao Occidental noong Biyernes, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) Region 12 ngayong Linggo.
Dalawang tulay sa Glan, at isa pa sa Malapatan, Sarangani ang nasira. Mayroon ding isang tulay sa General Santos na naapektohan ng lindol.
Sinabi ni OCD 12 information officer Jorie Mae Balmediano na nag-deploy ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng isang quick response team upang ayusin ang nasirang imprastruktura sa rehiyon.
Ipinahayag din niya na naibalik na ang suplay ng kuryente sa rehiyon noong Sabado, ngunit patuloy na nakakaranas ng paminsang power outages ang bayan ng Glan at ilang lugar sa General Santos City.
Wala namang problema sa suplay ng pagkain at tubig, dagdag niya.
Sinigurado rin ni Balmediano na makikipag-ugnayan ang regional OCD sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang magbigay ng karagdagang tulong sa mga lokal na pamahalaan na mas malaki ang pinsalang tinamo dahil sa lindol.
Comments