9 bagets, ibinubugaw sa bar, na-rescue
- BULGAR

- 1 hour ago
- 1 min read
ni Mai Ancheta @News | August 12, 2026

Photo: FB / Circulated / NBI
Nailigtas ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) Central Eastern Mindanao Regional Office ang siyam na kababaihang biktima ng human trafficking, kabilang na ang isang menor-de-edad sa entrapment operations sa isang bar sa Brgy. Zone 1, Koronadal City.
Nasakote naman ang dalawang floor managers ng bar na umakto umanong bugaw para ikalakal ang mga biktima sa kanilang mga customer.
Nakatanggap ng impormasyon ang NBI-CEMRO tungkol sa umano'y ilegal na aktibidad sa bar, kaya naglunsad ng operasyon.
Isinailalim na sa assessment at dokumentasyon ang mga biktima at inihahanda na ang isasampang kaso laban sa dalawang naarestong floor managers.





Comments