top of page
WINNER - MICHELLE, ATRAS NA SA PAG-JOIN SA MISS GRAND INTERNATIONAL ALL STARS 2026_IG _mic

9-anyos nasagasaan ng SUV, patay

Writer: BULGAR
BULGAR
22 hours ago
1 min read

by Jeff Tumbado @News | November 22, 2026



9-anyos nasagasaan ng SUV, patay

Photo: FIie



Nasawi ang isang siyam na taong gulang na lalaki matapos masagasaan ng SUV habang naglalakad sa gilid ng Govic Highway sa Brgy. San Nicolas, Castillejos, Zambales nitong Sabado ng umaga, Nobyembre 21.


Kinilala ang biktima sa alyas na Mio, residente ng Brgy. Balaybay. Ayon sa pulisya, nawalan umano ng preno ang Suzuki Ertiga na minamaneho ng isang 36-anyos na lalaki, dahilan upang mawalan ito ng kontrol at mabangga ang bata.


Isinugod ang biktima sa ospital ngunit hindi na nailigtas ang kanyang buhay.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Iniakyat na rin umano sa kasong homicide ang insidente.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page