top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

9,821 law grads, kukuha ng 2022 Bar Exams – SC

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 8, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 8, 2022



Inanunsiyo ng Supreme Court ngayong Martes na nasa kabuuang 9,821 law graduates ang inaasahang kukuha ng 2022 Bar Exams sa Nobyembre 9, Miyerkules, mula sa 14 local testing centers sa buong bansa.


Ayon sa SC, nasa 253 aplikante naman ang withdrew ng kanilang mga petitions.


Sa bilang na 9,821, may kabuuang 5,947 candidates ang kukuha ng exam para sa unang pagkakataon habang 3,974 naman ang magte-take ng exam para sa ikalawang pagkakataon, batay sa high court.


Kaugnay nito, ang Bar exams ay mag-a-adopt ng isang three-examiner policy.


Nitong Lunes, inanunsiyo na rin ng SC na maraming kalsada sa mga bahagi ng bansa ay isasara habang posibleng tumaas ang volume ng trapiko dahil sa nasabing exams.


Ayon pa sa Supreme Court, “The examinees who will be unable to take the 2022 Bar examinations due to Severe Tropical Storm Paeng may apply for a refund [of their fees].”


Ang mga exams ay gaganapin din sa Nobyembre 13, Linggo, Nobyembre 16, Miyerkules, at Nobyembre 20, Linggo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page