top of page
Search
  • BULGAR

9,500 pulis, itatalaga para sa seguridad ng F2F classes – NCRPO

ni Lolet Abania | August 17, 2022



Humigit-kumulang sa 9,500 pulis ang ide-deploy sa Metro Manila para i-secure ang pagpapatuloy ng face-to-face classes, ayon sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ngayong Miyerkules.


Sinabi ni NCRPO chief Police Brigadier General Jonnel Estomo sa mga reporters na pupulungin niya ang mga unit commanders upang talakayin ang kanilang operasyon para sa August 22 opening ng School Year 2022-2023.


“More or less ganyan [9,500 cops] ang ating ide-deploy,” pahayag ni Estomo.


Samantala, ayon sa bagong NCRPO director pagtutuunan niya ang pagpapaigting ng mga random checkpoints at police visibility sa Metro Manila.


Sa kabila naman ng pag-amin ni Estomo na limitado ang resources ng NCRPO, kumpiyansa siya na susuportahan ng mga local government units (LGUs) ang kanilang security efforts.


Ayon din kay Estomo ang pagsisikap ng pulisya na labanan ang ilegal na droga ay magpapatuloy. Gayunman, nang tanungin ito hinggil sa posibleng pagbabalik ng “tokhang”, ani Estomo, “no comment.”


Tiniyak naman ni Estomo na ang mga pasaway na pulis ay papanagutin niya sa ilalim ng kanyang pamumuno.


Nang tanungin tungkol sa mga reports na ilang pulis ang umano’y tinutulungan ang mga motorista para i-settle ang kanilang traffic violations, sinabi ni Estomo na kanyang aalamin ang naturang usapin.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page