814 bagong kaso ng Omicron subvariants
ni Lolet Abania | September 20, 2022

Nakapagtala ng mahigit sa 800 karagdagang kaso ng COVID-19 Omicron subvariants sa bansa sa nakalipas na linggo, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Martes.
Base sa resulta ng latest sequencing mula Setyembre 16 hanggang 19, umabot sa 814 bagong infections ng Omicron BA.5 at BA.4 subvariants, at iba pang Omicron sublineages na na-detect sa bansa.
Karamihan sa mga bagong kaso o 688 cases ay BA.5.
Sa nasabing bilang, 126 ay mula sa National Capital Region (NCR), 104 sa Western Visayas, 75 sa Cagayan Valley, 73 mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 56 sa Calabarzon, 54 sa Soccsksargen, 50 mula sa Ilocos Region, 37 sa Central Luzon, 25 sa Zamboanga Peninsula, 18 mula sa Central Visayas, 17 sa Mimaropa, 16 sa Caraga, 15 sa Bicol Region, 6 mula sa Bangsamoro Region, tig-2 sa Northern Mindanao at Davao Region, at isa mula sa Eastern Visayas.
May 11 naman na returning overseas Filipinos (ROFs) na nabatid na tinamaan ng BA.5 subvariant.
Ayon sa DOH, “the BA.5 has been driving an increase in new COVID-19 infections globally and has shown to be particularly good at evading the immune protection afforded either by vaccination or prior infection.”
Bukod sa BA.5 cases, naka-detect din sa bansa ng 16 dagdag na BA.4 cases, at 110 pang mga kaso ng ibang Omicron sublineages.
Una na ring sinabi ng DOH na ang BA.4’s, “faster transmission is likely because of its ability to evade immune protection induced by prior infection and/or vaccination, particularly if this has waned over time.”
Nakapag-record din sa bansa ng 97 COVID-19 cases na walang assigned lineages, at isa pang kaso na may assigned lineage bukod sa Omicron variant sa parehong period.
Ayon pa sa DOH, ang mga specimen collections mula sa mga nasabing bagong kaso ay nakolekta mula Hulyo 17 hanggang Setyembre 11.





Comments