top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

805 PDLs, pinalaya noong Abril

Writer:  BULGAR
BULGAR
May 3, 2024
1 min read

ni Eli San Miguel @News | May 3, 2024




Pinalaya ang kabuuang 805 Persons Deprived of Liberty (PDLs) mula sa iba't ibang pasilidad ng bilangguan ng Bureau of Corrections (BuCor) sa loob ng isang buwan hanggang Abril 30, 2024.


Sa isang pahayag, sinabi ng BuCor na binubuo ang mga pinalaya ng 548 PDLs na nakatapos na sa kanilang pinakamataas na parusa, 161 ang binigyan ng parole, 67 na napawalang-sala, 28 na binigyan ng probasyon, at isa na pinalaya sa pamamagitan ng habeas corpus petition.


Noong buwan ng Marso sa kasalukuyang taon, inihayag ng BuCor na 618 PDLs ang kanilang pinalaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page