ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 21, 2024
Nagbabala ang pangunahing opisyal ng U.N. sa Security Council noong Biyernes, na mahigit sa 800,000 katao sa isang lungsod sa Sudan ang nasa panganib dahil sa lumalalang karahasan.
Nagsimula ang digmaan sa Sudan isang taon na ang nakalilipas sa pagitan ng Sudanese army (SAF) at paramilitary Rapid Support Forces (RSF), na lumikha ng pinakamalaking krisis sa paglikas ng mga tao sa buong mundo.
Sinabi ni U.N. chief of political affairs Rosemary DiCarlo sa 15-member Security Council na malapit nang magkaroon ng sigalot sa pagitan ng RSF at mga miyembro ng Joint Protection Forces na nakikipag-alyado sa SAF sa El Fasher, ang kabisera ng North Darfur.
"The violence poses an extreme and immediate danger to the 800,000 civilians who reside in El Fasher," pahayag ni U.N. aid operations director Edem Wosornu.
"And it risks triggering further violence in other parts of Darfur – where more than 9 million people are in dire need of humanitarian assistance," dagdag niya.
Comments