80 probinsya, apektado ng El Niño

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 1, 2024

Inihayag ng Task Force El Niño na maaaring umabot sa 80 ang bilang ng mga probinsyang apektado ng El Niño sa katapusan ng Abril.
Ayon sa tagapagsalita ng Task Force El Niño na si Joey Villarama, sa pagsasagawa ng briefing ng Bagong Pilipinas, magkakaroon ng iba't ibang epekto ang El Niño sa mga probinsya.
“Pagtungtong po ng pagtatapos ng Abril, baka ‘yung otsenta pong iyon eh apektado in varying degrees. Iyon ‘yung dry conditions, dry spell saka drought,” paliwanag niya.
Binanggit ni Villarama na maingat na binabantayan ng task force ang mga Rehiyon 1, 2, 3, 4A, 4B, 6, 9, at 12.
Ayon sa datos mula Marso 25, sinabi ni Villarama na umabot na sa P1.75 bilyon ang pinsalang dulot ng El Niño sa sektor ng agrikultura.
Katumbas ito ng humigit-kumulang na 32,231 ektaryang sakahan na naapektuhan.





Comments