ni Eli San Miguel @Overseas News | September 16, 2024
Hindi bababa sa 8 katao ang namatay habang sinusubukang tumawid sa English Channel mula sa hilagang bahagi ng France, ayon sa mga otoridad nitong Linggo.
Nangyari ang insidente noong Sabado, halos dalawang linggo matapos mabiyak ang isang bangka na may sakay na mga migrante sa English Channel habang sinusubukan nilang makarating sa Britain mula sa hilagang bahagi ng France, na nagresulta sa pagkamatay ng 13 katao, ayon sa mga opisyal.
Dinala ang mga nakaligtas sa trahedya noong Sabado, sa isang sports hall sa hilagang bayan ng Ambleteuse, ayon sa pahayag mula sa prefecture ng rehiyon ng Pas-de-Calais.
Nailigtas din noong Sabado, ng mga sasakyang pandagat ng French coast guard at navy ang 200 katao mula sa mapanganib na tubig sa Pas-de-Calais area, ayon sa ulat ng French maritime authorities na namamahala sa Channel at North Sea.
Bago ang naturang aksidente, hindi bababa sa 43 migrante ang namatay o nawala habang sinusubukang tumawid papuntang U.K. ngayong taon, ayon sa International Organization for Migration.
Comentarios