8 pasahero ng bangka, dedo

Apr 2, 2023
1 min read
ni Loraine Fuasan (OJT) | April 2, 2023

CANADA — Walo ang nasawi matapos tumawid patungong Estados Unidos, noong Biyernes.
Ayon sa awtoridad, masama na umano ang lagay ng panahon noong araw na tumatawid ang mga imigrante sa Estados Unidos.
Ayon kay Akwesasne Mohawk Police Chief Shawn Dulude, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang lalaki na si Casey Oakes, 30, huling nakita, noong Miyerkules, alas-9:30 ng gabi na nagpapatakbo ng bangka.





Comments