top of page

8 kalahok sa 3rd Leg Triple Crown, masusubok

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 23, 2020
  • 1 min read

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | November 23, 2020



Inilabas ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang mga kabayong maglalaban sa huling yugto ng Triple Crown Stake race at Hopeful Stakes Race sa Nob. 29 Metro Manila Turf Club Inc.,(MMTCI) sa Malvar,Batangas.


Ang mga kalahok sa 3rd Leg Triple Crown ay ang Blazing Bullet,Cartierruo, Heneral Kalentong, Lucky Savings, Runway,Sky Shot, Union Bell at Winner Bidder.


Mangyayari na ang pinapangarap ng bayang karerista ang maglalaban ang hinahangaan na mananakbo na kinabibilangan ng Heneral Kalentong at kapatid na Union Bell at Sky Shot.


Tatawirin ng mga kalahok ang 2,000 meters na distansiya at magkakamit ng P1.8 M ang mananalo habang tatanggap ng P675,000 ang 2nd place,P375,000 sa 3rd place at mag-uuwi ng P150,000 ang 4th place.


Mahigpit ang laban na magaganap sa mga kalahok na Heneral Kalentong,Union Bell at Sky Shot. Sa Hopeful Stakes Race may pitong kalahok ang tatakbo sa pangunguna ng Bishop Blue, Bourne Leader, Calbayog, Exponential,Spandau Bullet, Tifosi at Zenaida.


Tatawid sa distansiyang 2,000 meters ang mga kalahok at naghihintay ang premyong P600,000 sa magiging kampeon at tatanggap ng P225,000 ang 2nd place, mapupunta ang P125,000 sa 3rd place at P50,000 sa 4th place.


Hawak ngayon ang 2nd leg hopeful nang manalo ang Calbayog at mahigpit na makakalaban ang Bourne Leader, Tifosi,at Zenaida.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page