top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

8-hour duty at health insurance sa mga pulis, APRUB!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 26, 2024
  • 1 min read

by Info @Editorial | June 26, 2024



Editorial


Ipinag-utos ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang 8-oras na duty para sa mga pulis mula sa kasalukuyang 12 oras.


Kasunod ito ng naunang kautusan na dagdagan ang mga tauhan nila sa lansangan upang mas paigtingin ang kanilang presensya sa ilalim na rin ng kanilang kampanya kontra krimen at ilegal na droga.


Ang pinaikling oras ng duty ay layong mabigyan ng sapat na oras ng mga pulis ang kanilang pamilya sa kabila ng pagtupad nila sa tungkulin.


Una na ring inanunsyo ang pagbibigay ng Health Insurance para sa mga pulis upang mapangalagaan din ang kanilang kalusugan.


Marapat lang na masuklian ang ibinibigay na proteksyon sa atin ng kapulisan.


Naniniwala tayo na mas marami pa ring matitinong pulis kesa bulok.



Silang mga tapat sa serbisyo, karapat-dapat na mabigyan ng makatarungang sahod at benepisyo.


Bagama’t kusang-loob silang nag-aalay ng buhay para sa kaayusan at kapayapaan ng bayan, hindi naman kalabisan na mabigyan din sila ng pagkakataon na maalagaan at maging masaya kasama ang kanilang pamilya.


Masasabing sapat naman na ang walong oras para magawa ang kanilang tungkulin lalo na kung nakatutok naman sa kanilang mga gampanin.


Kung magkakaroon sila ng maayos na pahinga, mas may laban sa mga kriminal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page