8 DPWH officials, suspendido sa flood scam

by Jeff Tumbado @News | November 5, 2026

Photo: File / DPWH
Sinuspinde ng Office of the Ombudsman nitong Miyerkules ang walong opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kaugnay ng reklamo na umano’y binayaran nang buo ang mga hindi pa kumpletong flood control projects sa Surigao del Norte.
Sa anim na pahinang kautusan, ipinataw ng anti-graft body ang preventive suspension sa pitong engineers at isang accountant ng DPWH matapos magsampa ng reklamo ang Field Investigation Office II ng Ombudsman.
Ayon sa Ombudsman, nakasaad sa reklamo na binayaran nang buo ng DPWH ang mga proyektong malaki pa ang kakulangan sa pagkakumpleto, na nagdulot umano ng pinsala sa National government.
Kabilang sa mga sinuspinde ng anim na buwan nang walang sahod sina DPWH Regional Office XI District Engineer Annie Dela Vega; DPWH Surigao del Norte 1st District Engineering Office Engineer IIIs Federico Gotico III, Demilyn Castrence, Quintinano Armendariz Jr. at Edward Tinio; Engineer IIs Florencio Sulana at Ricky Arciga; at accountant Jerome Sulapas.
Ipinataw ang preventive suspension habang hinihintay ang resolusyon ng mga kasong conduct prejudicial to the best interest of the service, grave misconduct at serious dishonesty.





Comments