8 Astigin, magpapabilisan sa Lovally Bred Stakes Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 11, 2022
Magtatagisan ng bilis ang walong nominadong kabayo sa magaganap na 3-Year-Old Lovally Bred Stakes race na ikakasa sa Hunyo 19 sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City sa Batangas.
May habang 1,800 meter race, mag-uunahan sa meta sina Rin Man, Colony Bell, Bocaue Rivertown, Big Battle, Pharaoh's Fairy, Tinago Falls, Bisyo Mag Serbisyo at Eazacky.
Komento ng mga karerista, malaki ang tsansang manalo nina Colony Bell at Rain Man sa karerang may guaranteed prize na P1M na ikakalat sa unang anim na kabayong tatawid sa meta.
"Para sa akin. malaki ang tsansang manalo nina Colony Bell at Rain Man, pero siyempre anybody's race 'yan," saad ni Renato Gamboa, veteran karerista.
Nakalaan ang P600,000 sa mananalong kabayo sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon habang P200,000 at P100,000 ang ibubulsa ng second at third placers ayon sa pagkakasunod.
Kukubrahin ng pang-apat ang P50,000 habang tig- P30,000 at P20,000 ang fifth at sixth.
Samantala, siyam na karera ang pakakawalan ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) ngayong araw kaya asahang masaya ang mga karerista sa kanilang paglilibang.
Tiyak na aabangan ng mga karerista ang pagtakbo ni Robin Hood sa Condition Race Merged na pakakawalan sa pang-walong karera.
Rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie Guce, mapapalaban si Robin Hood kontra limang kalahok sa distansyang 1,400 meter race. Bukod ky Robin Hood, ang ibang kasali ay sina Sari Baby, Golden Sunrise, Truly Ponti, Coal Digger at Moment Of Truth.
Mga Pili ni Green Lantern:
Race 1 - Hee Nieve Rahh (3), Work From Home (1), Jean Genie (2)
Race 2 - Kapangyarihan (7), Divine Dancer (2), Che Che (4)
Race 3 - Super Master (1), Den Deren Denden (4), Yes Kitty (6)
Race 4 - Space Jam (4), Silver Bell (3), Hiconicus (8)
Race 5 - Magtotobetsky (3), Beli Bell (2), Asiong/Greatwall (1/1A)
Race 6 - Erik The Viking/Full Combat Order (4/4A), Kruggerand (8), Iikot Lang (3)
Race 7 - Pretty Meadow (4), Fortress (3), Shelltex Gold (8)
Race 8 - Robin Hood (1), Moment Of Truth (6)
Race 9 - Tocque Bell (1), Brightright (8), Doktora (7)





Comments