top of page
WINNER - SEN. ROBIN, IPINAGDIINANG DDS SI JOSHUA-FB Robin Padilla.jpg

8-anyos, pinaghahampas sa ulo ng kaklase, patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 1 hour ago
  • 1 min read

ni Mai Ancheta @News | July 24, 2026



8 anyos na batang babae binugbog ng kaklase - Circulated

Photo: Circulated / FB



Patay ang 8-anyos na babaeng estudyante sa elementarya matapos umanong paghahampasin sa ulo ng lalaking kaklase sa loob ng kanilang paaralan sa Davao City.


Batay sa pulisya, naganap ang insidente noong Biyernes nang pinaghahampas ng notebook sa ulo ang biktimang si alyas Mae. 


Pag-uwi sa bahay, idinaing umano ng biktima ang pananakit ng ulo at kinabukasan, Sabado, nakaramdam umano ito ng matinding sakit ng ulo kaya isinugod sa pagamutan.

Lumitaw sa CT scan ng biktima na mayroong pagdurugo sa kanyang bungo at pumutok na ugat, at sa kabila ng pagsisikap na maisalba ang buhay, tuluyan itong nasawi.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy kung ano ang magiging disposisyon sa suspek na isang menor-de-edad.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page