top of page
RUN WILD - BARBIE, NAPABILIB SI ALDEN SA PAGIGING WILD-IG _barbaraforteza.jpg

78 patay, sa 7.8 lindol

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 19
  • 1 min read

ni Jeff Tumbado @News | June 19, 2026



Magnitude 7.8 Earthquake - BFP

Photo: Boying Remulla - FB



Umabot na sa 78 ang bilang ng mga nasawi sa malakas na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani at iba pang bahagi ng Mindanao, batay sa pinakahuling datos nitong alas-6 ng umaga, Hunyo 18, 2026.


Sa Region XI, naitala ang 21 nasawi, kung saan 20 ang mula sa Davao Occidental at isa sa Davao del Sur.


Sa Region XII naman, umabot sa 57 ang namatay, kabilang ang 33 sa Sarangani at 24 sa South Cotabato.


Nasa 30 katao pa rin ang nawawala. Kabilang dito ang 13 sa Davao Occidental, 15 sa Sarangani, at dalawa sa South Cotabato.


Samantala, umabot na sa 1,339 ang nasugatan o nagkasakit dahil sa epekto ng lindol. Pinakamarami ang naitala sa South Cotabato na may 948 kaso, kasunod ang Sarangani na may 189.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page