top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe
Search

by Mervin Reyes @News | September 26, 2026



P7.50 rollback sa diesel, P1 gasoline


Posibleng maramdaman ng mga konsyumer sa Nobyembre ang pagbaba ng singil sa kuryente kasunod ng pagtanggal ng 12% Value-Added Tax (VAT) sa allowable system loss charge.


Naglabas ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng Revenue Memorandum Circular No. 97-2026 noong Setyembre 14, 2026, na nag-aalis ng VAT sa system loss charge na pasok sa cap na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC).


Layunin ng hakbang na mabawasan ang buwanang gastos ng mga konsyumer sa kuryente.


Tinatayang nasa P20 hanggang P30 ang maaaring matanggal sa VAT component ng system loss charge. Para sa isang karaniwang household na kumokonsumo ng 200 kilowatt-hour (kWh) kada buwan, posibleng umabot sa P20 ang matitipid.


Gayunman, nanawagan ang mga konsyumer para sa iba pang hakbang na makatutulong sa karagdagang pagpapababa ng presyo ng kuryente, lalo na sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

 
 

ni Jeff Tumbado @News | July 31, 2026



Jinggoy Estrada sa BJMP - Circulated

Photo: Masusing sinasalansan ng Office of the Clerk of Court ng Senado ang mga financial at tax records nina Vice President Sara Duterte at Atty Mans Carpio matapos itong maisumite nang pormal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa pagbusisi sa impeachment hearings. (Jeff Tumbado)



Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes na nakakuha na sila ng awtorisasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para maisumite sa Senate impeachment court ang tax records ni Vice President Sara Duterte.


Ayon sa BIR, nakuha nila ang pag-apruba ng Pangulo bago isinumite ang mga dokumento sa Office of the Clerk of Court, alinsunod sa itinakdang oras na alas-9 ng umaga na deadline ng impeachment court.


Nang tanungin ng mga mamamahayag kung may pahintulot ng Pangulo ang pagsusumite ng naturang mga rekord, simple nilang tugon ay, “Yes.”


Nauna nang inatasan ng impeachment court si BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza na tumugon sa subpoena na humihiling ng tax records ni Duterte kaugnay sa alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman na nakapaloob sa ikalawang artikulo ng impeachment complaint.


Kasama sa mga isinumiteng dokumento ang tax records ni VP Sara, kanyang asawang si Atty. Mans Carpio, at ng iba pang mga negosyo na umano'y may kaugnayan sa mag-asawa.


Sa desisyon ng impeachment court noong Hulyo 20, binigyang-diin nito na ang paglalabas ng subpoena lamang ay hindi sapat na batayan upang isapubliko o isiwalat ang tax records ng isang taxpayer.


Ayon sa National Internal Revenue Code (NIRC), maaari lamang siyasatin o ilabas ang naturang mga rekord sa mga limitadong sitwasyon, kabilang ang may utos ng Pangulo, may kahilingan mula sa isang foreign tax authority na may pag-apruba ng Pangulo, o kung may pahintulot mismo ang taxpayer.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | July 7, 2026



Impeachment prosecution panel - Senate PH

Photo: Senate PH



Ipinababalik ni impeachment court presiding officer Sen. Chiz Escudero sa Bureau of Internal Revenue (BIR) ang “green box” na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang mister na si Atty. Manases Carpio. 


Wala pa aniyang legal na kautusan para ilipat sa kustodiya ng Senado ang kahon, at hindi pa rin ito pormal na iniaalok o namamarkahan bilang ebidensya sa impeachment trial.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page