76 na pulis, sinibak sa serbisyo noong 2023

ni Eli San Miguel - Trainee @News | January 10, 2024

Sinibak sa serbisyo ang 76 na tauhan ng pulisya noong 2023, ayon sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ngayong Miyerkules.
Sa talumpati ni Interior Secretary Benhur Abalos para sa New Year's call ng ahensya, sinabi niya na mayroong 681 na imbestigasyon ang National Police Commission (NAPOLCOM) laban sa mga pulis na may paglabag.
“In 2023, the NAPOLCOM has investigated and prepared a total of 681 investigation reports and rendered decisions on 437 summary dismissal cases-including 76 who were dismissed from the service, 89 who were demoted, 93 who were suspended, and 11 who were reprimanded,” aniya.
Noong nakaraang taon, nanawagan si Abalos sa higit sa 950 na mga police colonel at general na magsumite ng courtesy resignations upang bigyang daan ang malawakang imbestigasyon at alisin ang mga mapang-abusong pulis sa Philippine National Police.
Kabuuang 18 na resignasyon ang tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.





Comments