73,909 dengue cases na naitala sa bansa – DOH
ni Lolet Abania | July 25, 2022

Simula Enero 2022 ang nai-record na dengue cases ay tumaas ng higit sa 73,000, kung saan mahigit 18,000 ang naitala nito lamang nakalipas na mga linggo, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Sa isang radio interview, sinabi ni DOH officer-in-charge Dr. Maria Rosario Vergeire na may kabuuang 18,699 dengue cases ang nai-record mula Hunyo 12 hanggang Hulyo 9.
Dahil dito, umabot na sa kabuuang dengue caseload sa bansa sa 73,909 ngayong taon.
Ayon kay Vergeire ang mga rehiyon na may pinakamaraming dengue cases ay sa Central Luzon, Cagayan Valley, at National Capital Region (NCR).
“Sa ngayon, patuloy ang ating kampanya laban sa dengue kung saan tayo ay nagmo-mobilize ng ating mga local governments para gawin natin ‘yung 4S strategy at saka ma-mobilize ang kanilang dengue brigades,” saad ni Vergeire.
Aniya, ang 4S habits, “Search and destroy breeding places; Use Self-protection; Seek early consultation; and Support fogging or spraying in hotspot areas, especially during the rainy season.”
Naglabas na rin ng isang joint advisory nitong Linggo ang DOH, katuwang ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), ng paalala sa publiko na anila, “only scientific solutions can solve the country’s health problems like dengue.”
Sinabi rin nila na ang vector control, at hindi paglalagay ng mga palaka at mga isda sa mga latian o swamps at stagnant water, ay maaaring makatulong sa pagsugpo sa tumataas na kaso ng dengue sa bansa.
“This kind of practice ay maaaring makasira ng ating ecosystem kasi invasive specie itong tinatawag na mga palaka na pinapakalat na ito at ang pinakaimportante ay maaaring makapag-pose ng health risk ito dahil maaaring malason ang ating kababayan and even their pets,” paliwanag pa ni Vergeire.
Una nang sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ng dengue cases sa bansa ay nakaaalarma na dahil marami nang mga indibidwal ang ina-admit sa ngayon sa mga ospital.





Comments