71% ng DepEd teachers at personnel, fully vaccinated na
- BULGAR

- Feb 5, 2022
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | February 5, 2022

Nasa 71 percent na ng teaching at non-teaching personnel ng Department of Education (DepEd), at 65 percent ng mga estudyanteng edad 12 hanggang 17 na walang comorbidities ang fully vaccinated na kontra COVID-19, ayon sa opisyal ng ahensiya nitong Biyernes.
Sa presentation ni DepEd Director for Bureau of Learner Support Services Lope Santos, sinabi niyang mayroong kabuuang 970,694 teaching at non teaching personnel ang DepEd.
Sa bilang na iyon ay 83.48 percent o 810,300 na ang nakapagpabakuna, kung saan 689,176 o 71 percent na ang fully inoculated habang 12.48 percent ang nakatanggap pa lamang ng first dose.
Sa kabilang banda, 18.74 percent o 181,932 dito ang hindi pa nakapagpapabakuna.
Gayunman, sinabi rin ni Santos na sa kanilang tala, kapag pinagsama ang total number ng bakunado at hindi bakunadong mga personnel ay aabot ito ng 102.65 percent.
“Discrepancies have been observed in the submitted data,” ani Santos.
Ayon pa rito, posibleng hindi pa updated ang bilang ng elegible population base sa actual na bilang ng mga personnel na nag-report ng kanilang vaccination status, at posible ring mayroong double reporting.





Comments