700K Pinoy, nakatanggap ng COVID-19 booster shot
- BULGAR
- Aug 8, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 8, 2022

Halos 700,000 Pilipino ang nakatanggap ng kanilang unang COVID-19 booster shot sa ilalim ng “PinasLakas” campaign ng gobyerno, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes.
Sa isang interview, sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, inilalapit na sa ngayon ang mga bakuna sa mga komunidad upang lalong tumaas ang booster coverage ng bansa sa gitna ng dumaraming COVID-19 infections.
Ilan sa mga populated places na ginagamit nang vaccination sites sa ngayon ay sa mga palengke, lugar ng pagsamba, workplaces, at mga paaralan.
“As of August 6, we have already vaccinated almost 700,000 individuals for the first booster shot, and for the senior citizen, mga 43,000 po,” pahayag ni Vergeire.
Matatandaang inilunsad ng DOH ang PinasLakas campaign noong Hulyo 26, na may layong makapag-boost ng 23.8 milyon Pilipino o 50% ng eligible population sa loob ng 100 araw ng Marcos administration.




Comments