top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

700 pamilya nawalan ng tirahan, 3 nadale sa sunog

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 23, 2022
1 min read

ni Lolet Abania | November 23, 2022



Tatlo ang nai-report na nasugatan matapos ang sunog sa isang residential area sa Mandaue City, Cebu, maghahating-gabi ng Martes.


Batay sa social media post ng Mandaue City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), sumiklab ang sunog sa kahabaan ng C. Ouano Street, Sitio Paradise sa Barangay Looc, Mandaue City.


Sa posts din ng Bantay Mandaue-CDRRMO, alas-11:45 ng gabi, itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog sa lugar.


Ayon sa mga opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP), mabilis na kumalat ang apoy sa naturang lugar dahil sa gawa sa mga light materials ang karamihan sa mga bahay ng mga residente.



Idineklara naman ng BFP na fire out pasado alas-2:00 ng madaling-araw ngayong Miyerkules.


Nasa tinatayang 700 pamilya ang apektado ng sunog habang kasalukuyang nanunuluyan ang mga ito sa isang gymnasium.


Sinabi rin ng BFP na umabot sa P1 milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian.


Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang naging dahilan at pinagmulan ng sunog.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page