70 yrs.old, pinagsasaksak ng manugang

by Levi Gonzales @News | October 3, 2026

Photo: Grade 10 nahulihan ng baril sa school sa Northern Samar - PNP-PRO8
Nasawi ang isang 70-anyos na lolo matapos pagsasaksakin umano ng kanyang manugang sa Purok 2, Brgy. 3, Lipa City, Batangas.
Kinilala ang biktima sa alyas Casiano, biyudo, residente ng naturang lugar.
Ayon sa pulisya, alas-5:30 ng madaling-araw, nakatayo ang biktima sa labas ng kanilang bahay nang bigla siyang saksakin ng suspek na si alyas Tukis, 48.
Tinamaan sa kanang kilikili ang biktima at isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival. Tumakas naman ang suspek sakay ng motor.
Ayon sa imbestigasyon, may sama umano ng loob ang suspek sa biktima at pinaghihinalaang may relasyon ito sa kanyang asawa.





Comments