3 beses taas-presyo ngayong Oktubre... LPG, papalo sa P1,600 kada tangke

by BRT @News | October 3, 2026

Photo: File
Inaasahang tatlong beses na tataas ang presyo ng LPG ngayong Oktubre, ayon kay LPG Marketers Association (LPGMA) founder Arnel Ty.
Nakatakda umano ang dagdag na P10 kada kilo simula Oktubre 3, P5 kada kilo sa Oktubre 10, at P3 kada kilo sa Oktubre 17.
Dahil dito, asahan na tataas sa mahigit P1,600 ngayong Oktubre ang dating nasa P1,400 na 11-kilogram na LPG.
Iniuugnay ang inaasahang pagtaas sa patuloy na tensyon sa Gitnang Silangan at problema sa negosasyon ng US at Iran.





Comments