Patalim, nakalusot sa metal detector... Grade 11, sinaksak sa dibdib ng Grade 10

by Mai Ancheta @News | October 3, 2026

Photo: Balatong Integrated School - FB / File
Nakalusot sa metal detector ang folding knife na umano’y ginamit ng Grade 10 student sa pananaksak sa dibdib ng Grade 11 sa Balatong Integrated School sa Laoag City, Ilocos Norte nitong Huwebes, Oktubre 1.
Ayon sa pulisya, itinago ng suspek ang patalim sa kanyang underwear kaya nakalusot sa security check.
Nagpapagaling na sa ospital ang biktima habang nasa kustodiya ng City Social Welfare and Development ang menor-de-edad na suspek.
Awayan umano ng dalawang grupong kinabibilangan ng suspek at biktima ang motibo.





Comments