top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

70 labi ng Bilibid inmates, ililibing na bukas, Nob. 25 – BuCor

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 24, 2022
  • 2 min read

ni Lolet Abania | November 24, 2022



Nasa 70 na mga labi ng mga Bilibid inmates mula sa Eastern Funeral Homes ang nakatakdang ilibing bukas, Nobyembre 25, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).


“Bukas ho, maglilibing tayo ng 70,” pahayag ni BuCor Officer-in-Charge Gregorio Catapang Jr. sa ginanap na programa para sa pagpapalaya ng mahigit 200 persons deprived of liberty (PDL) ngayong Huwebes.


Sa isang ambush interview, kinumpirma rin ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang paglilibing sa 70 cadavers na nakatakda sa Biyernes.


Aniya, lahat ng mga labi ng inmate ay mula sa Eastern Funeral Homes.


“Hindi na kaya i-autopsy ang iba, eh, kasi advanced state na. Mummified na nga ‘yung iba, talagang natuyo na. Very dry. So very, very valiant effort ang kinakailangan para malaman mo talaga sa autopsy,” paliwanag ni Remulla.


Matatandaan na noong Nobyembre, nadiskubre ng mga awtoridad ang 176 katawan ng mga namatay na inmates mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Eastern Funeral Homes.


Una nang sinabi ni Catapang na ang 10 bangkay ay kanila nang nailibing, habang 166 na lamang ang naiwan sa funeral parlor.


Kaugnay nito, pinag-iisipan ni Remulla ang paglipat ng mga labi ng inmates sa University of the Philippines (UP) College of Medicine para sa autopsy.


Nang tanungin kung kailan mapipirmahan ang memorandum of agreement (MOA) kasama ang UP, umaasa naman si Remulla na magiging malinaw na ang lahat sa susunod na 7 hanggang 10 araw.


“Ano kasi siyempre marami talagang ginagawa ngayon and year end pa… meron ho tayong mga kailangan tapusin,” sabi ni Remulla.


Samantala, ayon sa DOJ chief kakausapin niya ang forensic pathologist na si Dr. Raquel Fortun itong weekend para makapag-update sila ng mga kaganapan sa isa’t isa.


“And just to make sure that we’re on the same page about what we want to happen in the future. Kasi na delay pa ‘yung signing namin ng MOA with the University of the Philippines,” saad ni Remulla.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page