70-anyos, tumatawid sa pedestrian lane, nabundol ng motor, dedbol
- BULGAR

- 11 hours ago
- 1 min read
by Janice Baricuatro @News | August 21, 2026

Photo: FP
Nasawi ang isang senior citizen matapos mabundol ng motorsiklo sa pedestrian lane sa Aguinaldo Highway, Brgy. Panapaan 5, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng madaling-araw.
Ang biktima ay isang edad 70 na lalaki, habang ang nagmamaneho naman ng motor ay isang 30-anyos na lalaki na may angkas.
Alas-4:20 ng madaling-araw, habang tumatawid ang biktima sa pedestrian lane nang salpukin siya ng motor. Tumilapon ang biktima at nahulog din sa motor ang rider at angkas nito.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at 161 ambulance, ngunit wala nang buhay ang biktima. Isinugod naman sa ospital ang mga sakay ng motor.
Isinailalim sa hospital arrest ang driver habang inihahanda ang mga dokumento para sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Physical Injury.





Comments