top of page
Search
  • BULGAR

70-anyos na lola, nawawala sa sunog, 80 bahay tinupok

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 9, 2021



Sumiklab ang sunog sa P. Ocampo St. Barangay 719 Malate, Manila kung saan tinatayang 80 na bahay at 200 na pamilya ang apektado kaninang alas-3 nang madaling-araw, Marso 9.


Ayon kay Barangay Chairman Jaime Adriano, umabot sa ikatlong alarma ang sunog at maging ang Barangay Hall ay tinupok din ng apoy.


Dagdag pa niya, dalawang bata at 2 senior citizens ang iniulat na nawala sa kasagsagan ng sunog. Kalauna’y nakita rin ang mga bata at ang 65-anyos na lolo, ngunit nananatili pa ring hinahanap ang 70-anyos na si Lydia Bernal.


Aniya, bumalik ito sa bahay para kumuha at magsalba ng kanilang mga kagamitan. Idineklarang kontrolado na ang apoy pasado 4:15 nang madaling-araw at mahigit P500,000 ang halaga ng mga natupok.


Samantala, walang iniulat na namatay at nasugatan, maliban sa nawawalang lola.


Sa ngayon ay nananatili sa labas ng bahay ang mga residenteng nasunugan at inaalam pa rin ang pinanggalingan ng sunog.


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page