top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

7 yrs. bago naghiwalay… BARBIE, NAGSALITA NA TUNGKOL SA HIWALAYAN NILA NI JAK

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 8, 2025
  • 3 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | July 8, 2025



  • Barbie Forteza - IG

Photo: Barbie Forteza - IG


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Barbie Forteza tungkol sa breakup nila ni Jak Roberto.


Matatandaang inanunsiyo ng aktres ang kanilang breakup nitong nakaraang January. They were together for 7 long years.


Since the breakup announcement ay never pang nagsalita si Barbie tungkol sa kanilang hiwalayan at ngayon lang siya nagbigay ng kanyang pahayag, sa vlog ni Toni Gonzaga na Toni Talks (TT).


Ayon kay Barbie ay naging ‘masaya’ at smooth naman daw ang transition from being in a relationship for 7 years to being single.


“Masaya, eh. Masaya, smooth ‘yung transition. It wasn’t as painful as some people painted it to be,” saad ng aktres.


Dagdag pa niya, “It just goes to show how healthy the relationship was. Tiningnan namin s’ya for the growth din talaga ng bawat isa. And it was a good run, definitely. We were very happy.”


Ibinahagi rin ni Barbie ang mga lessons na natutunan niya sa nasabing relasyon.

“Kahit may karelasyon ka, always make time for yourself, always make time to spend it with yourself, ganyan. Magkaroon ka ng ‘me’ time, para rin may sarili kang identity, makilala mo ‘yung sarili mo outside the relationship, even if you are in a relationship. Para ikaw din sa sarili mo, naggo-grow ka kahit nasa isa kang relasyon,” pagbabahagi ni Barbie.


Kaya ngayon daw ay nasa self-love era siya pero bukas naman ang puso niya para muling magmahal.



PATULOY pa rin ang pag-arangkada ng ABS-CBN teleseryeng Linlang nina Paulo Avelino, JM de Guzman at Kim Chiu matapos nitong masungkit ang ikatlong puwesto sa top 10 most-watched shows ng Netflix Philippines.


Nagsimulang ipalabas sa naturang streaming platform ang Linlang, na kilala sa international na titulo nitong Deceit, noong Hulyo 4 kung saan tampok ang special edit ng serye na may 20 episodes.


Ang Netflix ang ikatlong streaming platform kung saan pumatok ang serye sa mga manonood dahil nanguna na ito sa listahan ng mga pinapanood na TV series sa Prime Video Philippines noong 2023 at nasungkit din nito ang top 7 spot sa 2024 most-watched shows ng iWant.


Umani ng samu’t saring papuri ang serye na umiikot sa panloloko at pagtataksil sa isang relasyon at naging viral din sa social media ang ilang mga eksenang tampok ang nakakagigil na komprontasyon ng mga asawa at kabit.


Umere rin ang serye sa primetime TV at nakasungkit din ang programa, pati ang mga bida ng serye, ng ilang mga awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies.



KAHIT hindi naman sila close, nag-post ng pagpupugay at tribute si Jake Ejercito para sa pumanaw na veteran entertainment columnist, TV host, at talent manager na si Lolit Solis.


Sa kanyang Facebook (FB) post, ginunita ng aktor na bagama’t hindi sila close ni ‘Nay Lolit ay napaka-nice naman daw nito sa kanya sa tuwing magkukrus sila ng landas.


“We were never close, but our paths crossed many times from when I was a kid and you were always kind, always warm,” aniya.


Pagbabalik-tanaw pa ni Jake, lagi siyang kinukulit ni ‘Nay Lolit noon na pasukin ang pag-aartista.


“I remember you used to greet me on Startalk every weekend, egging me to enter showbiz long before the idea of it even crossed my mind. And when I finally did, you made it a point to welcome me—still with that same warmth,” pahayag ng anak ng movie icon na si Joseph Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.


“Thank you, Manay Lolit. Rest well,” ang mensahe pa ni Jake kay ‘Nay Lolit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page