7 Tigasin, tatakbo sa Hopeful Stakes Race
ni Green Lantern - @Renda at Latigo | June 14, 2022
Isa sa inaabangan ng mga karerista ay ang bakbakan ng pitong tigasing kabayo sa 2022 PHILRACOM Hopeful Stakes race na ilalarga sa Hunyo 19 sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.
Inaasahang makakatikim ng matinding laban si Don Julio sa distansiyang 1,800 meter race.
Nakalaan ang guaranteed prize na P1.5M, rerendahan ni dating Philippine Sportswriters Association, (PSA) jockey of the year awardee Patty Dilema SI Don Julio.
May susungkitin na P900,000 premyo ang mananalong kabayo, ang ibang kalahok ay sina Main Event, Pharaoh Bell, Eutychus, Lauriatisimo, Portsalt at Charm Campaign na sasakyan ni Jessie Guce na dati ring PSA-JoY awardee.
Hahamigin ng second placer ang P300,000 tig- P150,000 at P75,000 ang third at fourth ayon sa pagkakasunod.
Mag-uuwi ng tig-P40,000 at P30,000 ang fifth at sixth sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.
Samantala, ilalarga din sa mismong araw ang 2nd Leg Triple Crown Staakes race at 3-Year-Old Locally Bred Stakes race.
Markado si Basheirrou sa triple crown, ito'y dahil impresibo ang panalo niya sa 1st Leg.
Makakalaban ni Basheirrou sina Kaboom, Gomezian, Radio Bell, Enigma Uno, Brother Son at Jungkook para pag-agawan ang tumataginting na premyong P2.1M.
Muling rerendahan ni class A rider Kelvin Abobo si Basheirrou sa karerang may habang 1,800 meter race.
Sakaling manalo si Basheirrou, namumuro ito sa pagwalis ng triple crown series na huling nakagawa ay si Heneral Kalentong noong 2020.
Mga Pili ni Green Lantern: Race 1 - Rockstar Show (6), Courageous (50 Race 2 - Jawo/Bishop Blue (7/7A), Hannah Rosa (2), Jacqueline (5) Race 3 - Hold On/Lakan Takhan (1/1A), Bitcoin (7) Race 4 - Don Lucas/I'll Be There (2/2A), Caraga Wonder/Noh Sen Young Yana (6/6A), Easy Landing (7) Race 5 - Bigmouthbernie (Illuminance (3), Advance Party (2) Race 6 - Peace Of Mind (1), A Certain Smile (4) Race 7 - Biktori (3), Great Mpire/Wessfacckol (1/1A) Race 8 - Dollarama (Jack Of Clubs/Winning Move (2/2A), Cool Mom (9).





Comments